MANILA, Philippines – Hinimok ni Education Secretary Sonny Angara ang mga bansa sa ASEAN na bigyang prayoridad ang digital transformation sa pagpapaunlad sa education sector.
Sa 13th ASEAN Education Ministers Meeting (ASED), nanawagan si Angara sa paniniwala niyang maihahanda nito ang mga kabataan sa rehiyon sa mga pagsubok sa hinaharap.
“We have a duty to ensure that our students are not merely passive recipients of knowledge but active citizens capable of shaping their futures and contributing to the growth of their communities and the entire ASEAN region,” saad sa pahayag ni Angara.
Tinukoy pa niya ang pangangailangan sa collective responsibility ng mga mambabatas upang mapalakas ang mga mag-aaral ng kakayahan at ugali na kailangan upang mabuhay sa “increasingly digital world.”
Iginiit din ni Angara ang urgency ng mga repormang ito dahil sa papalapit na critical deadlines ng ASEAN sa Community Blueprints nito.
Nagsimula na ang rehiyon sa pag-develop ng post-2025 strategic plans.
Bagamat nagsisilbing advocate ng digital advancements, ipinaalala ni Angara sa mga audience na ang edukasyon “remains a fundamentally human endeavor, requiring strong institutions, evidence-based policies, competent civil servants, and an engaged network of stakeholders.”
“Yes, the future will be increasingly digital, but we must remember that education is still a human endeavor—technology is simply a tool to address real human challenges,” dagdag pa niya.
Bilang Pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Council mula 2023 hanggang 2024, sinimula ng pamahalaan ng Pilipinas ang ilang programa para mapalakas ang digital transformation sa education sector. RNT/JGC