Home OPINION ANGAT DAM MAY SAPAT NA TUBIG PARA SA EL NIÑO, AYON SA...

ANGAT DAM MAY SAPAT NA TUBIG PARA SA EL NIÑO, AYON SA PAGASA

Iginiit ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na may sapat na dami ng tubig ang Angat Dam para kahit na magkaroon pa ng El Niño sa pagpasok ng panahon ng tag-init.

Sinabi ng PAGASA, kung sakali paminsan-minsan tayo makaranas ng bagyo ngayon taon ay may sapat pa rin ang dami ng ulan dahil sa mga weather system katulad ng low-pressure area at shear line.

Sa kasalukuyan ang Angat ay nasa above the normal high water level elevation na 214.17 meters (as of Jan 3, 2024, 6:00 AM), Sa kabila nito, nanawagan parin ang NWRB o National Water Resources Board na magtipid sa tubig lalo na sa pagdating summer season upang matiyak ang sapat na suplay hanggang Disyembre.

Ang Metro Manila at iba pang mga kalapit na lugar na umaasa sa Angat dam ay maaaring humarap sa matinding suliranin sa tubig, kung sakaling bumaba ang reservoir’s water level sa 180 meters.

Inaasahang pumasok sa bansa nitong Enero ang unang bagyo ngayong 2024. Sakaling mabuo bilang bagyo, tatawagin itong “Aghon.”

Inilabas na ng PAGASA ang mga pangalan ng mga bagyong papasok sa bansa sa taong 2024. Kabilang sa mga pangalang ito ang Aghon, Butchoy, Carina, Dindo, Enteng, Ferdie, Gener, Helen, Igme, at Julian.

Dahil sa epekto ng El Niño phenomenon makararanas ng tagtuyot ang 17 probinsya ng Luzon, base sa ulat ng PAGASA ngayong Miyerkules, Enero 3.

Sinabi ng PAGASA na kabilang sa mga maapektuhang probinsya ay ang Benguet, Ifugao, Kalinga, Apayao, Mountain Province, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pampanga, Tarlac, Batangas, Cavite, Oriental Mindoro at Palawan.

Ang drought o tagtuyot, ayon sa ahensya ay tumutukoy sa limang magkakasunod na buwan na below normal rainfall conditions. Dry spell o tatlong magkakasunod na buwan na below-normal rainfall conditions naman ang tatama sa mga probinsya ng Abra, Ilocos Norte, Isabela, Quirino, Bataan, Bulacan, Zambales, Aurora, Occidental Mindoro at Metro Manila.

Samantala, makararanas ang Spratly Islands ng dry condition o dalawang magkakasunod na buwan na below-normal rainfall.

Previous articleChinese warships bumuntot sa mga barko ng PH, US Navy sa 2nd joint patrol sa WPS
Next articleMGA ALKALDE, MGA OPISYAL NG BARANGAY MAGING MAINGAT SA PERMIT