Home ENTERTAINMENT Angel, active na sa socmed, to-the-rescue kay Joaquin!

Angel, active na sa socmed, to-the-rescue kay Joaquin!

180
0

Manila, Philippines — Aktibo nang muli si Angel Locsin sa social media, lalo na sa X (dating Twitter).

Salamat ito sa kanyang stepson na si Joaquin Arce, anak ng mister niyang si Neil.

Ito’y matapos ang nilahukan ni Joaquin na Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 kung saan nagtapos ito bilang third placer.

Nakakuha si Joaquin ng 16.94% na total combined votes, na nag-uwi ng P300,000.

Ayon sa post ni Angel, buong gabi raw pagkatapos ng The Big Night ay gising sila.

Ito’y dahil sa walang katapusang pagbabahagi ng kanyang stepson ng mga karanasan nito sa PBB house sa loob ng ilang buwan.

Post ni Angel: “Stayed up till 2am yesterday—Neil finally slept around 3am. We were just talking to Joaquin with the family. It felt like he didn’t want the night to end—all of us huddled on the living room floor, eating whatever late-night food he’d been craving for months.”

Tiniyak din ng pamilya ni Joaquin na magbigay ng updates tungkol sa mga ganap sa outside world matapos siyang pumasok sa PBB house.

Apat na buwan ding namalagi si Joaquin sa loob.

Napansin din ni Angel na may mga pagkakataong naghahanap si Joaquin ng lapel mic.

Masaya ang mga PBB fans at netizens na maaari nang lantakan ni Joaquin ang mga paborito niyang pagkain.

Matatandaang ganoon na lang ang suporta ni Angel kay Joaquin, maging sa pagdepensa sa kanya sa “nepo baby” issue.

Sa inis nga ni Angel, nakapagsalita siya ng: “’Yung 12k na boto ko kay Joaquin sa buong journey niya, baka dagdagan ko, maasar lang ’yung ibang makagawa ng issue. My son could have asked me for a project, but ang hiling lang niya is mag-audition sa PBB. Wag bitter, nakakapangit ’yan!” (Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here