Home ENTERTAINMENT Gee, tuluyan nang hiniwalayan si Archie, inilaglag ang dahilan!

Gee, tuluyan nang hiniwalayan si Archie, inilaglag ang dahilan!

174
0

Manila, Philippines — Tuluyan nang napuno si Gee Canlas sa asawang si Archie Alemania.

Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Gee na hiniwalayan niya si Archie makaraan ang walong taong pagsasama.

Ani Gee, ang ikinaso ni Rita Daniela na acts of lasciviousness laban kay Archie ay isa sa mga dahilan.

Kumbaga, nagpatung-patong na raw ang mga bagay na nagbunsod sa kanyang desisyon na tapusin ang kanilang relasyon.

Inamin din ni Gee na ang pamilya niya ang kanyang naging sandigan sa isyu ng asawa kay Rita. “I really tried to keep my family together coz that time I was told to be strong.”

Sa ngayon, hindi pa raw nagfa-file ng annulment si Gee.

Sa dami raw ng kanyang inaasikaso, hindi raw iyon ang top of mind niya.

Ang mas pinaprioritize daw niya ay ang anak na si Caleb. “Creating a stable background for him.”

Anim na taong gulang na si Caleb.

At one point in the interview, hindi napigilan ni Gee na maglabas ng emosyon tungkol sa ending ng kanilang relasyon ni Archie.

Hindi raw iyon isang desisyong basta niya lang ginawa.

Pinoproseso pa raw niya ito hanggang ngayon. (Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here