Home ENTERTAINMENT Carlene, stranded sa Dubai!

Carlene, stranded sa Dubai!

185
0

Dubai, UAE — Stranded ngayon ang ex-beauty queen-actress na si Carlene Aguilar sa Dubai, UAE.

Ang dating partner ni Dennis Trillo ay naroon na bago pa man sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Israel, United States, at Iran.

Work-related ang pakay ng pagpunta roon ni Carlene, na nasa real estate business.

Nakatakda sana niyang dalhin ang kanyang team para sa dalawang linggong training.

Sa kanyang Instagram post, humihiling ng dasal si Carlene para sa mga kapwa Pinoy na nakabase sa UAE.

Ayon sa nangamusta sa kanya sa pamamagitan ng Viber, maayos naman daw sila sa kanilang lugar.

Nakakalabas naman si Carlene at ang kanyang grupo, bagama’t naririndi sila sa sunud-sunod na pagsabog at hindi makabiyahe sa eroplano dahil sa mga kanseladong flights.

Marso 8 sana ang nakatakdang pagbabalik ni Carlene sa bansa.

Ngunit hindi pa tiyak ang kanyang flight pauwi.

Sa ngayon, wala pang makapagsabi kung tatagal pa ang kaguluhan doon.

Ang tanging magagawa ni Carlene ay manalangin na maging ligtas ang pananatili niya at ng kanyang grupo roon—kasama na ang ating mga OFW na nakabase sa Dubai. (Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here