Home ENTERTAINMENT Angeli, itinapat kay Ivana!

Angeli, itinapat kay Ivana!

Manila, Philippines – Join sa cast ng Black Rider ang Vivamax A-lister na si Angeli Khang.

Siyempre, mahalagang papel ang gagampanan niya sa aksyonseryeng pinagbibidahan ni Ruru Madrid na patuloy na namamayagpag sa rating.

Hirit naman ng kibitzers, pang-tapat daw ang tinaguriang Vivamax Queen sa kaseksihan ni Ivana Alawi sa kakumpentensyang programang “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin.

Bukod sa pagpapaseksi, sinabi kasi noon ni Angeli na gusto rin niyang sumabak sa paggawa ng action movies.

Maganda namang exposure para kay Angeli ang mapasama sa nasabing TV series ni Ruru kung aambisyunin niyang mag-aksyon.

Si Angeli ay naging pantasya ng mga barako sa mga pelikulang “Taya”, “Selina’s Gold”, “Pusoy”, “Silip sa Apoy”, “Madjong Nights” at marami pang iba. Archie Liao