Home NATIONWIDE IMF nababahala sa debt, fiscal challenges sa low-income countries

IMF nababahala sa debt, fiscal challenges sa low-income countries

First Deputy Managing Director Gita Gopinath, Managing Director Kristalina Georgieva, IMFC Chair Saudi Finance Minister Mohammed Al-Jadaan and Finance Minister of Spain Nadia Calvino attend the IMFC Plenary during the 2024 Spring Meetings of the World Bank Group and International Monetary Fund in Washington on April 19, 2024.IMF Photo / Lewis Joly

MANILA, Philippines – Nagkasundo ang mga shareholder ng International Monetary Fund sa kahalagahan ng pagtugon sa mga pagsubok na hinaharap ng low-income countries, kung saan karamihan sa mga ito ang nakararanas ng “unsustainable debt burdens,” sinabi ni IMF Managing Director Kristalina Georgieva nitong Biyernes, Abril 19.

Nangamba ang IMF at World Bank sa iba’t ibang ulat tungkol sa economic developments at prospects ng low-income developing countries, na bumabangon pa lamang sa epekto ng COVID-19 pandemic at iba pang mga pangyayari.

Binabaan ng IMF ang 2024 growth forecast para sa low-income countries bilang grupo sa 4.7% mula sa naunang pagtaya na 4.9% noong Enero.

Sa hiwalay na report, sinabi ng World Bank na kalahati ng 75 poorest countries sa mundo ay nakararanas ng lumalawak na income gap mula sa mga mayayamang ekonomiya sa kauna-unahang pagkakataon ngayong siglo, sa isang historical reversal ng pag-unlad.

Ani Georgieva, pinag-aaralan ng IMF na ipatupad nito ang kakayahan na suportahan ang low-income countries, kabilang ang 50% quota share increase at sa pagdaragdag ng resources sa Poverty Reduction and Growth Trust nito.

Kapwa sinabi nina Georgieva at Saudi Arabia Finance Minister Mohammed Al-Jadaan, na namumuno sa IMF steering committee, na ang internal reforms na ipinasa ng IMF ngayong linggo ay makatutulong na mapabilis at mapadali ang debt restructuring process.

Ani Georgieva, nagdudulot ng malaking pagsubok sa low-income countries ang mataas na debt levels, kabilang ang maraming bansa sa Sub-Saharan Africa, kung saan nahaharap ang mga ito sa debt service payments na 12% sa average, kumpara sa 5% noong nakaraang dekada.

“What is heartbreaking is that in some countries debt payments are up to 20% of revenues,” aniya.

Dahil dito ay kailangang taasan ng mga apektadong bansa ang kanilang domestic revenues sa pagpapataas ng tax, paglaban sa inflation, pagbawas sa paggastos, at pagpapaunlad ng local capital market. RNT/JGC