Home ENTERTAINMENT Angelica, di kailangan ng hip replacement!

Angelica, di kailangan ng hip replacement!

Manila, Philippines- Pahirap na maituturing ni Angelica Panganiban ang sakit na dumapo sa kanya.

Kung matatandaan, laman ng vlog ng aktres noong isang taon ang pagdurusang inabot dulot ng “avascular necrosis.”

In kayman’s term, it is called bone death.

Sa wikang Tagalog, ayon na rin kay Angelica’y nasuring patay na raw pala ang buto niya sa balakang.

This explains kung bakit dumaranas siya ng mobility problem.

Hindi nga maipaliwanag ng aktres ang matinding sakit na hatid nito, making it difficult for her to move.

Kung dati-rati raw ay nakukuha pa niyang humakbang ng 10,000 steps, ngayon daw ay masuwerte kung kakayanin niyang umabot sa 1,000.

Awa naman daw ng Diyos, may mga isinasagawang procedure si Angelica to ease the pain.

Medyo maayus-ayos na siyang lumakad ngayon kumpara last year.

At pag nagpatuloy pa raw gumanda ang kanyang mobility, laking pasasalamat ng aktres that she doesn’t have to undergo hip replacement.

Nevertheless, tanggap daw ni Angelica ang kaloob ng Diyos.

Samantala, dahil pumapasok na sa school si Baby Bean–imagine at less than 2 years old!–siguro nama’y mapaglalaanan na ni

Angelica ng panahon ang pagbabalik-showbiz niya.

Matatandaang sinadyang tablahin ng aktres ang mga iniaalok na teleserye sa kanya dahil hindi niya bet ang mahabaang trabaho.

Angelica would rather take on acting jobs na sandali lang gawin at tapos agad.

But with the condition she’s in now, siyempre, bawal ang mga physically demanding TV or film assignments. Ronnie Carrasco III