Manila, Philippines- Accompanied by her lawyer Atty. Raymond Fortun, humarap sa media nitong Miyerkoles ng umaga si Ginang Angelica Yulo, ina ng double gold medalist na si Carlos.
Nilinaw niya sa kanyang paunang salita na ‘yun na raw ang huli niyang pananalita hinggil sa alitan ng kanyang pamilya, ng panig niya at ni Carlos kasama ang nobya nitong si Chloe San Jose.
Umiiyak na sinabi ng ina na nasaktan lang siya dahil ang anak na pinalaki raw niya nang maayos ay tila hindi nakikinig sa kanyang paggabay.
Ina lang din daw siya na hindi perpekto tulad ng alinmang pamilya.
Sa gitna ng kanyang pagharap sa media ay humingi ng tawad si Angelica sa kanyang anak dahil sa kanyang mga pinakawalang salita.
Pero binigyang diin niya na walang sinumang ina ang hindi naghangad ng tagumpay at kaligayahan para sa kanyang mga anak.
Sa bandang huli’y nangako si Angelica na bukas ang kanilang tahanan sa pag-uwi ni Carlos “may pera man o wala.”
Kung babalikan ang mga pangyayari, nakapagtatakang hindi ipinagbunyi ni Angelica nang masungkit ni Carlos ang unang medalyang ginto sa men’s floor exercise.
Mas nag-cheer pa earlier ang ina sa kinatawan ng Japan.
Sumunod niyon ay naungkat ang naging mitsa ng ‘di pagkakaunawaan ng mag-ina.
May kinalaman ‘yon sa perang incentives na nakuha ni Carlos sa World Championships noong 2022.
Ani Carlos, six (6) digits daw ang nakuha ng ina na hindi pa raw niya malalaman kung hindi siya nagtanong.
Puwera pa raw dito ang monthly allowances ni Carlos na nasa bank account niya pero nasa pag-iingat ni Angelica.
Natuklasan din ni Carlos ang withdrawals sa banko, ayon sa statement na nakarating sa kanya.
Kapwa pinulaan sina Angelica at Chloe ng mga netizens dahil mas ang pokus dapat ay kay Carlos at sa karangalang iniuwi nito sa bansa.
At least, sa pagharap ni Angelica sa media ay natapos din ang mala-teleseryeng kuwento ng kanyang pamilya. Ronnie Carrasco III