Home NATIONWIDE Arrest warrant vs Guo posible kasunod ng pagpasa ng kaso para sa...

Arrest warrant vs Guo posible kasunod ng pagpasa ng kaso para sa resolusyon

133
0

MANILA, Philippines – Umaasa ang senador na makakapag-isyu na ng warrant of arrest laban kay suspended Bamban, Tarlac mayor Alice Guo matapos na maipasa na sa Department of Justice (DOJ) para sa resolusyon ang kasong human trafficking laban sa alkalde, kasunod ng hindi nito pagdalo sa preliminary investigation.

Sa pagpapasa para sa resolusyon, ang kaso ay pagdedesisyunan na ng prosekusyon kung ito ba ay ihahain sa mga korte na ang batayan na lamang ay ang mga alegasyon ng complainant.

“Since she did not personally show up nor file her counter affidavit, she will mostly like be liable for human trafficking which is a non-bailable offense,” mensahe ni Senador Sherwin Gatchalian.

“A warrant of arrest will ensue on this particular case,” dagdag pa.

Nauna nang nag-abiso si Gatchalian kay Guo na lumantad at sagutin ang mga isyung ibinabato laban sa kanya, kabilang na ang mga kaso ng human trafficking, birth certificate cancellation, at pambabastos sa mga patawag.

Matatandaan na nag-isyu ng arrest order ang Senado laban kay Guo noong Hulyo 11 matapos na bigo itong dumalo sa dalawang pagdinig na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub na ni-raid sa kanyang munisipalidad.

Bigo rin itong dumalo sa tatlong pagdinig sa human trafficking cases na inihain sa DOJ.

Batay sa monitoring ng Bureau of Immigration, nasa Pilipinas pa rin si Guo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here