Home ENTERTAINMENT Angelica, nananakit pa rin ang balakang!

Angelica, nananakit pa rin ang balakang!

Manila, Philippines – Maluwalhating naitawid ni Angelica Panganiban ang kanyang hip surgery kamakailan.

Ginawa pa niya itong content sa kanyang latest vlog.

Matatandaang taong 2022 nang masuring may bone disease o avascular necrosis ang aktres.

Sinubukan daw ni Angelica ang platelet-rich plasma treatment pero hindi raw ito umubra.

Sa halip ay lalo lang daw siyang nakaramdam ng pananakit sa balakang.

It was until paika-ika o limping na siya kung lumakad when she went to see her doctor.

Doon nga niya nalaman she needed to undergo hip surgery.

Sa halip daw na niyerbyusin ay excited pa raw si Angelica sa operasyon.

Gusto na raw kasi niyang matapos ang dalawang taon niyang paghihirap.

The post-op was an ordeal pa rin daw as the pain wouldn’t go away.

Pero maayos na raw ang pakiramdam ng aktres who documented her journey na bahagi nga ng kanyang vlog.

Na-confine siya noong July 5, naoperahan two days later at na-discarge noong a-diyes.

Tumagal din daw ng pitong oras ang operasyon kung saan may nakitang slight collapse sa isang bahagi ng kanyang balakang.

Siyempre, utang din ni Angelica sa asawang Gregg Homan ang matiyagang pag-aalaga sa kanya all throughout her hospital stay. Ronnie Carrasco III