Home ENTERTAINMENT Angelica Yulo, endorser na rin!

Angelica Yulo, endorser na rin!

Manila, Philippines- Tingnan mo nga naman ang kapalaran ng tao, oo!

Ito ang malamang na naibulalas ng mga netizens na masaya para kay Angelica Yulo makaraang hatagan ng kontrata to endorse a dental clinic.

Viral na ngayon ang TikTok video na ipinost ng negosyante at may-ari ng Smile 360 Dental Clinic na si Hungry Toyo who tapped two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo’s mom to endorse his company.

Grinning from ear to ear, hawak ni Angelica ang pinirmahang kontrata sa harap ng kanyang pamilya at clinic staff, inside Hungry Toyo’s business office.

Nakuha pa nitong magbiro ng: “Baka sa Vivamax ‘to, ha?”

Kilala ang naturang film company for churning out daring skin flicks.

Naki-ride on naman si Hungry Toyo as having entered a business transaction with Vivamax owner Vic del Rosario.

Angelica–visibly in a jubilant mood–even endorsed her longganisa. In unison with the clinic staff, pagbibida niya: “If you want to live longer, eat YULOngganisa!”

Mas lamang naman ang positive comments mula sa mga netizens dahil sa endorsement na ‘yon ni Angelica.

So, what bigger opportunities await her?

Showbiz career? We never can tell! Ronnie Carrasco III