MANILA, Philippines – Nalunod sa baha ang isang walong buwang gulang na sanggol sa Naga City, Camarines Sur.
Matatandaan na nalubog sa mataas na baha ang maraming lugar sa naturang lungsod dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Enteng mula pa nitong Linggo, Setyembre 1 hanggang nitong Lunes.
Ayon sa Naga City police, naabutan na lamang ng mga magulang ang kanilang sanggol na babae na wala nang malay at lumulutang sa binahang kwarto nila sa Barangay Calauag bandang alas-6 ng gabi.
Agad na dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang patay. RNT/JGC