Home NATIONWIDE Bong Go nakiisa sa brgy leaders sa Liga ng mga Barangay National...

Bong Go nakiisa sa brgy leaders sa Liga ng mga Barangay National Congress

MANILA, Philippines – NAKIISA si Senator Christopher “Bong” Go sa mga pinuno ng barangay sa pagpapalakas ng lokal na pamamahala sa kanyang pagdalo sa Liga ng mga Barangay National Congress sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Ang okasyon, sa pangunguna ni LNB President Maria Katrina Jessica Dy mula sa Isabela, ay dinaluhan ng mga opisyal ng barangay mula sa iba’t ibang local government units, kabilang ang Antique, Cebu Province, Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Bohol, Siquijor, Negros Occidental, Negros Oriental , Bacolod City, Cagayan, Quirino, Batanes, Nueva Vizcaya, Ilocos Norte, Ilocos Sur, and Zamboanga del Sur.

Sa kanyang talumpati, pinuri ni Go ang mga pinuno ng barangay sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon, lalo sa gitna ng mapanghamong panahon. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsuporta sa mga opisyal ng barangay upang mapabuti ang pamamahala sa grassroots level.

“Ang pwede ko lang pong maialay sa inyo ay ang aking pagseserbisyo. Hindi n’yo po ako maririnig na mangangako sa inyo na kaya kong gawin ito. Gagawin ko lang po ang aking trabaho sa abot ng aking makakaya, dahil yan ang aking bisyo — ang serbisyo,” ayon kay Go.

Inulit ng senador ang kanyang malalim na koneksyon sa mga opisyal ng barangay sa pagbabahagi ng kanyang mga karanasan sa pakikipagtulungan sa kanila sa Davao City.

“Alam n’yo sa city hall ng Davao, umaga pa lang ang kaharap ko barangay captain, barangay kagawad, barangay official. Iyon po ang parati kong nakakaharap doon. Hanggang pag-uwi sa gabi sila pa rin ‘yung nandidiyan. Sila po ang nagsasabi ng problema – sunog, baha, away sa barangay, hospital bills.”

“Kayo po ‘yung nagdadala talaga ng serbisyo sa ating mga kababayan,” ani Go hinggil sa esensyal na sewrbisyo ng barangay leaders sa kani-kanilang komunidad.

Matapos nito ay tinalakay ng senador ang kanyang legislative efforts na susuporta sa barangay officials, partikular ang Senate Bill No. 197, na layong magtatag ng Magna Carta for Barangay. Ang isinusulong na batas kikilala sa mga opisyal ng barangay bilang mga regular na empleyado ng gobyerno na tatanggap ng mga benepisyo, proteksyon, allowance, at iba pang emolument kung magiging batas.

Kamakailan ay inihain di ni Go ang SBN 2802 na nagmumungkahing bigyan ng fixed 6 year term of office ang mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK).

Noong araw na iyon, naging guest speaker din si Go para sa Philippine Councilors League (PCL) Masbate Chapter Congress sa Tower Hotel sa Manila City. RNT