Home HOME BANNER STORY 7 patay sa Rizal sa hagupit ni Enteng – police

7 patay sa Rizal sa hagupit ni Enteng – police

MANILA, Philippines – Pito ang naitalang patay sa Lalawigan ng Rizal habang isa ang pinaghahanap dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Enteng.

Sa nasabing bilang, anim ang iniulat na namatay sa magkaibang barangay sa Antipolo City.

Una rito ay ang gumuhong bahagi ng Sitio Hinapao, Barangay San Jose kung saan natabunan ng lupa ang ilang kabahayan at dalawang magkapatid na lalaki ang iniulat na namatay kabilang ang isang buntis nilang kapitbahay.

Dalawa rin ang iniulat na namatay sa Barangay San Luis at isa sa Barangay San Idisdro na nalunod, habang isa naman ang pinaghahanap sa Barangay Sta. Cruz na inanod ng baha.

Sa panayam ng Remate kay Rizal Police Provincial Director, PCol. Felipe B. Maraggun, sinabi nito na isa ring lalaki ang nalunod sa San Mateo.

Ayon kay PCol. Maraggun, hindi na rin madadaanan ang boundary ng Cainta at Marikina sa Sumulong Highway. Toto Nabaja