Home NATIONWIDE COA audit report tinangkang harangin ng OVP – solon

COA audit report tinangkang harangin ng OVP – solon

MANILA, Philippines – Ibinunyag ng isang solon na tinangka mismo ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte na pigilan ang Commission on Audit (COA) na maisumite sa Kongreso ang audit report na nagpapakita ng maling paggamit ng OVP Confidential funds noong 2021.

Ayon kay Batangas Rep. Gerville Luistro, ang tangka na ito ng OVP ay katumbas ng pagkitil sa right to public information.

“The Constitutional power of Congress to review the spending of public funds is not just a right but a duty. It is our responsibility to ensure that every peso of taxpayers’ money is spent for its intended purpose and not misused,” pahayag ni Luistro.

“This scrutiny extends beyond merely approving budgets—it involves a continuous evaluation of how these funds are actually spent, particularly when it comes to sensitive allocations such as confidential funds,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Luistro na ang paggamit ng confidential funds ay hindi ligtas sa oversight at maaari itong busisiin para alamin kung paano ginasta.

Nabatid na noong Agosto 21, 2024 o 6 na araw bago dinggin ng House Committee on Appropriations ang OVP budget ay sumulat si DepEd Undersecretary at Chief of Staff, Atty. Zuleika Lopez sa COA laban sa pagsusumite nito ng mga dokumento para sa Notice of Disallowance at audit ng OVP at Department of Education para sa confidential funds nito.

Iginiit ng OVP na ang pagpapalabas ng audit reports ay paglabag sa Constitutional Principle ng Separation of Powers at iginiit nito ang right to due process ng OVP.

Puniri naman ni Luistro ang COA na ginampanan ang tungkulin nito sa bayan lalo sa aspeto ng transparency.

Sa nasabing COA report ay pinababalik nito sa OVP ang P73 million sa P125 million na nagasta nito sa confidential funds na naubos sa loob lamang ng 11 araw noong Disyembre 2022. Gail Mendoza