Home NATIONWIDE 4 bahay wasak sa malakas na alon sa Baseco

4 bahay wasak sa malakas na alon sa Baseco

MANILA, Philippines – Inanod ng malakas na alon ang apat na bahay bunsod ng malakas na hampas ng alon dala ng bagyong Enteng sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ang naturang mga informal settlers sa Blk 17 ang apektado sa nawasak nilang tirahan dahil sa bagyo at kasabay na rin ng high tide.

Ayon sa isang residente, magkakadikit ang limang bahay na nawasak ngunit hindi batid kung ilang pamilya ang apektado.

Wala namang residenteng tinangay ng alon dahil mabilis silang nakalikas bago mawasak at tangayin ang kanilang mga barong-barong.

Ang mga apektadong pamilya ay pansamantalang nakasilong ngayon sa evacuation center.

Samantala, dalawang poste ng Meralco at isang puno rin ang nabuwal sa P. Burgos Avenue kanto ng Roxas Blvd dahil sa bagyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden