Home ENTERTAINMENT Angelu, binarag ang congressional bet; Ara, damay sa isyu!

Angelu, binarag ang congressional bet; Ara, damay sa isyu!

Manila, Philippines- Hindi na napigilan na pakawalan ni reelectionist sa pagka-Konsehal sa District 2 ng Pasig City ang pagkainis sa isang bastos na congressional candidate na naturingan pa manding isang abogado.

Binarag ni Angelu de Leon si Atty. Christian “lan” Sia sa kanyang Facebook account.

Tahasang kinundena ng aktres-pulitiko ang kabastusan at kawalan ng respeto ni Sia sa mga solo parents.

Batay ito sa naging pahayag ni Sia ukol sa mga solo moms na nireregla’t nalulungkot.

Ani Sia, mangyaring sumiping sa kanya.

Maaari raw magpalista sa kung saan naroon ang mesa malapit sa tinutuntungang entablado.

Bilang commitee chairperson ng Social Services at Solo Parents Affairs, tinawag na “nakakadiri” ni Angelu ang pahayag ni Sia.

Ito’y lalo pa’t katatapos lang ipagdiwang ang buwan ng mga kababaihan.

Si Sia ay nasa pangkat ni Sarah Discaya na kalaban ng reelectionist na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Nasa team din nila si Ara Mina na tumatakbong Councilor.

Damay rin si Ara na nahuling tumatawa-tawa pa raw sa biro ni Sia, na agad din niyang binara dahil pamilyado na raw siya.

Ayon sa mga netizens, hindi man lang daw ba naisip ni Ara na ang mismong kapatid niyang si Cristine Reyes ay isa ring solo parent?

Para man lang daw alang-alang kay Cristine ay hindi na dapat sinakyan ni Ara ang biro ng kongresistang ka-ticket nila.

“Bawal ang bastos sa Pasig!” mariing sabi ni Angelu patungkol kay Sia who’s a lawyer at that.

Humingi rin ng sorry ito dahil sa kanyang wala-sa-lugar na biro.

Between Angelu and Ara, alam na kung sino ang laglag sa a-dose ng Mayo! Ronnie Carrasco III