MANILA, Philippines – Utas ang isang babaeng angkas ng ride-hailing app matapos mahagip ng dump truck ang sinasakyang motorsiklo sa northbound lane ng Mel Lopez Boulevard sa Maynila, nitong Miyerkules ng umaga, Marso 19.
Sugatan naman ang rider na tila nagka-trauma sa pangyayari.
Sa inisyal na ulat, nangyari ang aksidente bandang 11:30 ng umaga kung saan ang biktima ay nakasuot ng kulay itim na tshirt, bulaklakin na shorts at tinatayang nasa edad na 20 pataas.
Base sa booking ng pasahero, galing ang ride-hailing app na Move-It sa Paranaque at drop off ay sa Dagat-dagatan sa Caloocan.
Sa kuha ng CCTV ng barangay 39, makikita na binabagtas ng Move-It sakay ang kanyang pasahero ang kahabaan ng Mel Lopez Boulevard nang mabangga ng truck.
Nang bumagsak ang motrsiklo nagulungan ang kalahating katawan ng biktima kasama ang kanyang ulo.
Hindi umano namataan ng rider ang paparating na truck sa kanyang likuran na kumabig sa kanan o nag-iba ng linya ang truck kaya sila nahagip.
Ang driver ng truck ay hawak na rin ng barangay na nakakasakop sa lugar na pinangyarihan ng aksidente na uamnoy tinangka pang tumakas pero naabutan ng mga mga nagmagandang loob.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)