Home METRO Angkas todas, 1 kritikal, 2 sugatan sa karambola ng 3 motorsiklo

Angkas todas, 1 kritikal, 2 sugatan sa karambola ng 3 motorsiklo

Bulacan – Dead on the spot ang 22 anyos na dalagang back rider habang sugatan ang tatlong motorcycle rider matapos aksidenteng magsalpukan sa lungsod ng Malolos.

Kinilala ng pulisya ang nasawing back rider na si Jasmin Joy, private employee, residente ng Brgy. Dampol, Plaridel.

Nasa kritikal na kondisyon naman dahil sa sugat sa ulo ang rider na si Ryan, 36, steelman ng Brgy. Longos, Malolos habang nagtamo ng minor injuries ang dalawa pang rider na sina John Jervie, 25 ng Brgy. San Pablo, Hagonoy at Michel Joe, 26 ng Sta Cruz, Paombong.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang 6:45 ng umaga nitong Lunes, February 17 sa McArthur highway, Brgy. Dakila.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng rider na si Ryan lulan ng Honda Wave motorcycle at John Jervie na minamaneho ang Honda TMX ang southbound lane habang ang nasa kabilang linya naman si Michel Joe at ang angkas na si Jasmin na kapwa sakay ng Euro Kiway motorcycle.

Nabatid na biglang kumabilang linya umano ang motorsiklong minamaneho ni Michel Joe hanggang sa aksidenteng nakasalpukan ang nabanggit na dalawang kasalubong na motorsiklo na agarang ikinamatay ng kanyang angkas na si Jasmin at kapwa nila ikinasugat

Nasa kostudiya na ng Malolos police station si Michel Joe para sa documentation and proper disposition. Dick Mirasol III