MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto sa ilang bahagi ng bansa ang shear line, Intertropical Convergence Zone (ITCZ), at Northeast Monsoon o Amihan ngayong Martes, Pebrero 18.
Ayon sa PAGASA, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa Isabela at Aurora dahil sa shear line.
Ang Batanes, Cagayan, at Apayao ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Amihan.
Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Zamboanga Peninsula, Sultan Kudarat, Sarangani, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dahil sa ITCZ.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa easterlies. RNT/JGC