Home NATIONWIDE Anim na buwang sanggol pinakabatang nasawi sa lumubog na MV Trisha Kerstin...

Anim na buwang sanggol pinakabatang nasawi sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3

180
0

MANILA, Philippines – Kabilang ang isang anim na buwang gulang na babae ang pinakabatang nasawi sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa pinakahuling update, umakyat na sa 40 ang narekober na nasawi kung saan 24 ang kababaihan at 15 ang kalalakihan.

Nitong Pebrero 1, iniulat ng PCG na tatlo pang bangkay ang natagpuan sa kagaratan malapit sa Baluk-Baluk Island sa Basilan.

Ito ay isang Linggo matapos ang tragedya ng paglubog ng Roro vessel.

Kabilang sa narekober na bangkay ang tauhan ng Philippine Coast Guard.

Ilan pa sa mga nakitang palutang-lutang na bangkay malapit sa Baluk-Baluk Island at narekober ng mga Bantay Dagat ang mga biktimanf sina Hadji Abdurajik Jikiri Abdul, isang 70-taong gulang na residente ng Indanan, Sulu, at isa pang hindi pa nakikilalang bangkay na narekober ng mga responder sa barangay.

Sinabi ng PCG na dadalhin ang mga bangkay sa Zamboanga City gamit ang PCG vessel matapos ang koordinasyon ng PCG Isabela sa PDRRMC para sa transportasyon at retrieval.

Ang MV Trisha Kerstin 3, na may kapasidad na 352 na pasahero, ay umalis sa pantalan ng Zamboanga City noong Enero 25 ng gabi patungong Jolo, Sulu, kasama ang 332 pasahero sa manipesto.

Enero 26 ng madaling araw nang lumubog ang barko na may kabuuang 27 crew members sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island.

Sa ngayon, 317 pasahero ang naiulat na nakaligtas, ngunit tumanggi pa rin ang mga awtoridad na tukuyin ang eksaktong bilang ng nawawala dahil sa mga double entries sa manipesto at sa mga bangkay na narekober ngunit wala sa manipesto.

Ang pinakamatandang biktima ay si Alih Sali, 84-taong gulang, na kinuha ng kanyang anak na si Basir at dinala sa Lamitan City.

Anim na bata ang nasawi sa trahedya, kabilang sina Fatma Ayesha (6 na buwan), Atika Alih Musa (2 taon), Andrea Safarri Wahid (4 na taon), Aldin Mashum (5 taon), Dina S. Ambutong (6 na taon), at isa pang bata na hindi pa nakikilala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here