Home NATIONWIDE Animal abusers kakastiguhin ni Poe

Animal abusers kakastiguhin ni Poe

197
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Grace Poe ang mga awtoridad na paigtingin ang hakbang para matukoy at mapanagot ang mga indibidwal na sangkot sa pang-aabuso ng mga hayop.

“The alarming cases of animal abuse and neglect in the country are of great concern, and urgent, firm action is needed to stop them,” pahayag ni Poe nitong Sabado, Marso 1.

Iginiit niya na ang pagsasawalang-bahala sa kalupitan sa mga hayop at hindi mapanagot ang mga sangkot ay manghihikayat lamang sa mas marami pang mistreatment.

“This must not be condoned. Dapat may masampolan na,” dagdag ni Poe.

Ang pahayag ng senador ay kasunod ng panibagong kaso ng animal cruelty sa Murcia, Negros Occidental kung saan pinana ang asong si “Bulldog.”

Kasunod ito ng insidente na tinamaan ng limang pana ang isa pang aso.

Nanawagan din si Poe sa publiko na ibahagi ang impormasyon na makapagtuturo sa mga sangkot sa insidente.

Dagdag pa, isinusulong ni Poe ang pagpasa ng Senate Bill No. 2458, na naglalayong palakasin ang animal welfare standards, magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon at parusa sa mga lalabag.

Ipinapanukala rin dito ang pagtatayo ng Animal Welfare Bureau sa ilalim ng Department of Agriculture para pangasiwaan ang nationwide animal protection efforts.

Naghihintay na lamang ang panukala na aprubahan sa ikatlong pagbasa.

“We must take animal abuse cases with the seriousness and urgency they deserve. Abusers must be prosecuted to make the law an effective deterrent,” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here