Home ENTERTAINMENT Anjo, may pakiusap kay PBBM!

Anjo, may pakiusap kay PBBM!

273
0

Manila, Philippines – Nanawagan si Anjo Yllana kay Pangulong Bongbong Marcos.

Mapapanood ito sa isang maikling TikTok video kung saan ipinarating ng aktor ang kanyang mensahe patungkol sa laganap na korapsyon sa bansa.

Ani Anjo, kapag napatunayang guilty daw ang ilang personalidad na sangkot sa flood control anomaly ay: “Ipakulong n’yo na!”

Plunder daw ang maaaring ikaso laban sa mga ito: “Walang bail ‘yan kaya umaksyon na kayo, Mr. President!”

Dinagdag pa ni Anjo na tama na raw ang imbestigasyon dahil aksyon ang mas higit na kailangan.

“Tinatanong nga ako ng ibang kababayan natin, ‘Bakit naman ganyan si PBMM?’

“I tell you, Mr. President, lalo pang tataas ang approval rating n’yo pag naipakulong n’yo ang mga ‘yan!” mariing sabi ni Anjo.

On PBMM’s taking a firm stand, inihayag pa ni Anjo: “Tama na ang imbestigasyon…tingnan n’yo nag-aaway-away ang Senado at House of Representatives dahil may pinagtatakpan sila!”

Kung tutuusin, Anjo’s appeal resonates with every Filipino na isinusumpa ang talamak na korapsyon sa bansa. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here