Home ENTERTAINMENT Anne, biktima ng ‘deepfake’ ad!

Anne, biktima ng ‘deepfake’ ad!

Manila, Philippines – Naglabas ng babala ang Viva Artist Agency para iklaro na peke ang advertisement na nagtatampok sa isa sa mga artist nitong si Anne Curtis.

Ayon sa VAA, biktima ang TV host-actress ng tinatawag na deepfake advertisement.

Ang deepfake advertisement ay uri ng teknolohiya na maaaring kumopya sa mukha, salita o kilos ng sinumang tao para palabasing ito mismo ang gumagawa niyon.

Sa kaso ni Anne, ginamit ang kanyang mukha at boses ng isang financial product na Illumination Investment.

Agad nilinaw ng VAA na peke ito at ginamitan ng Al o artificial intelligence.

Sinabi ng naturang talent agency that Anne is in no way connected to the Facebook page na naglabas ng anunsyo.

Inaasahan ng VAA na maging vigilant o mapanuri ang mga netizens.

llang araw lang ang nakakaraan ay nag-post si Michael V tungkol sa pambibiktima sa kanya kaugnay ng deepfake advertisement.

Earlier, nagpahayag din si Amy Perez na nababahala siya sa ganitong modus operandi. Ronnie Carrasco III