Home ENTERTAINMENT Anne, binigyan ng award, inokray ng netizen!

Anne, binigyan ng award, inokray ng netizen!

282
0

Manila, Philippines – Napikon. ‘Di nakapagtimpi.

Rumesbak.

Ito ang reaksyon ni Anne Curtis sa isang netizen na kumuwestyon ng kanyang Best Female TV Host award sa 53rd Box Office Entertainment Awards.

Partikular na sinilip ng netizen ang madalas daw kasing pag-aabsent ni Anne sa It’s Showtime.

Tinawag pa nga ng netizen na “weird” ang mga Filipino awards, to the point na luto raw.

Pinalagan ito ni Anne who had to explain herself on X (dating Twitter).

Aniya, nakabase raw ang kanyang pagkapanalo noong 2024, not this year.

‘Yun daw ang panahong iba raw ang kanyang “hair era.”

Dagdag niya: “Hayaan n’yo, next year hindi na ako aasa as I was absent for half a year because of the 2 projects I had to finish.

Happy?”

Obyus na may tone of sarcasm sa post ni Anne.

Ang isa sa dalawang proyektong tinutukoy niya’y ang teleseryeng It’s Okay not To be Okay.

Bukod dito’y abala rin siyempre si Anne sa pag-aalaga ng kanyang anak na si Dahlia.

Hayan, klaro na! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here