Home ENTERTAINMENT Anne, dedma sa umookray sa tambalan nila ni Joshua!

Anne, dedma sa umookray sa tambalan nila ni Joshua!

256
0

Manila, Philippines- Happy si Anne Curtis sa magagandang reviews na natatanggap ng serye niyang “It’s Okay To Not Be Okay.”

Katunayan, ipino-post daw niya ang mga ito sa kanyang social media accounts.

Proud din siya na nabigyan niya ng bagong bihis ang kanyang role sa nasabing Pinoy adaptation ng hit Koreanovela of the same title.

Aware rin daw siya sa mga nagsasabing hindi sila swak ni Joshua Garcia bilang magka-love team.

“I guess there would people who would say na di kami bagay. For me, to each his own opinion naman.

“But there are also so many na parang come week four ay nagsasabing: ‘Ay meron pala.’

“And that’s they have to realize that when you’re establishing a series at lalo na with ‘It’s Okay,’ it’s not all about kilig because there’s a bigger picture and a story to tell which is all about mental health,” paliwanag niya.

Bagama’t hindi raw niya masabi kung tutuloy ang kanilang tambalan sa big screen, aniya, lahat daw naman ay posible.

Bukod sa IONTBO, naghahanda na rin si Anne sa pagbabalik sa aksyon via “Buy Bust 2” na posibleng ipalabas sa isang online streaming platform. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here