Home ENTERTAINMENT Anne, suportado ang bill sa jellyfish sting, naka-relate!

Anne, suportado ang bill sa jellyfish sting, naka-relate!

Manila, Philippines- Relate much.

Ganito maaaring ilarawan ang lantarang pagsuporta ni Anne Curtis sa panukalang batas ni Senator Risa Hontiveros.

Ito ‘yung Sandy’s Bill hango sa pangalan ng anim na taong gulang na babae named Sandy.

On vacation with her family, nasawi si Sandy sa sting o kagat ng jellyfish.

Naisugod man sa ospital, cardiac arrest ang ikinamatay ni Sandy dahil sa kawalan ng sapat na equipment to address her medical case.

Naka-relate naman si Anne sa kaso ni Sandy.

Taong 2014 nang gawin niya ang teleseryeng Dyesebel.

Sa dagat sa Batangas kinunan ito kung saan kinagat si Anne ng jellyfish.

It was a matter of life and death.

Todo suporta ang TV host-actress sa bill na isinusulong ni Hontiveros.

Naglalayong gawing mandato sa lahat ng mga resort, hotel at water park na magkaroon ng emergency medical procedure sa mga potential victims ng jellyfish sting na karamiha’y mga turista. Ronnie Carrasco III