Home ENTERTAINMENT Ashley, pinaamoy ang kilikili kay Mavy!

Ashley, pinaamoy ang kilikili kay Mavy!

Manila, Philippines- Hindi kaila sa lahat na hindi boto ang family ni Mavy Legaspi sa nakarelasyon nito noon na si Kyline Alcantara.

Sa side ng Kapuso actor, very vocal ang ina nitong si Carmina Villaroel sa pag-ayaw sa ngayo’y nobya na ni Kobe Paras.

Salamat at dumating na sa buhay ni Mavy si Ashley Ortega.

Mismong kay Ashley na rin kasi nanggaling na welcome siya sa Legaspi family.

Or so she thought!

Marami kasi ang na-off sa eksena nila ni Mavy sa PBB.

Saksi ang Kapuso artist na si Josh Ford sa eksenang pinaaamoy ni Ashley ang kanyang kilikili kay Mavy!

Hindi nga ba’t napa-OMG din kayo?!

Awkward naman kasi ang pinagawa ni Ashley sa nobyo.

Ano raw ba ang gustong palabasin ng aktres–na wala siyang BO?

Hindi ba’t ang mga ganoong harutan ay sa pribadong lugar ginagawa, and not for public consumption?

Tiyak na hindi palalampasin ni Carmina ang eksenang ‘yon!

For sure, nabawasan ang ganda points ni Ashley.

Ang masaklap–baka ang ending niyan: hindi na nga sila magkasundo ng sarili niyang ina, pati madir ng dyowa niya’y makaaway pa niya!

Esep-esep, gurl! Ronnie Carrasco III