Home Uncategorized Ivana, di bet maging politiko!

Ivana, di bet maging politiko!

Manila, Philippines- Tama na para kay Ivana Alawi na in her own way ay nakakatulong siya

sa kanyang kapwa without necessarily joining the political fray.

Marami na rin pala ang hunihikayat sa sexy actress na subukan ang pulitika.

Pero aminado si Ivana na: “Wala akong alam sa batas! Kahit naman paano, nakakatulong ako so bakit kallangan ko pang pumasok sa pulitika?”

Ivana would rather endorse a political candidate na karapat-dapat suportahan.

Marami raw ang humihingi ng kanyang endorsement pero maingat siya.

Inaaral daw ni Ivana ang background ng mga lumalapit sa kanya, to the point na hindi raw siya kailangang bayaran kung karapat-dapat namang tulungan ang mga ‘yon.

Isang partylist na hindi na binanggit ni Ivana ang inoohan niya.

Alam ng lahat that there’s a thin line that separates politics from showbiz, and vice versa.

Minsan nang naugnay si Ivana kay Cong. Albee Benitez, ama ng ex-boyfriend ni Sue Ramirez na si Negros Occidental Mayor Javi Benitez.

Looking back, ano ang reaksyon ni Ivana?

Walang kagatul-gatol niyang sagot: “Wala, dedma! Bahala kayo…at least, hindi ako nanira ng pamilya ng may pamilya!”

Proud! Ronnie Carrasco III