Home ENTERTAINMENT Anniv concert ni Janella, na-postpone, mahina!

Anniv concert ni Janella, na-postpone, mahina!

Manila, Philippines – Natunton na ang umano’y dahilan kung bakit kinailangang i-postpone ang anniversary concert ni Janella Salvador.

Janella’s Reimagined: The 10th Anniversary Concert na dapat sana’y sa April 15 na sa New Frontier Theatre ay hindi na raw kailangan pang mag-“imagine” ng ibang dahilan for its postponement.

Malinaw daw kasi kung bakit: mahina umano ang bentahan ng mga tickets.

No, walang kinalaman dito ang kontrobersyal na joke ni Janella when interviewed by Kim Chiu on It’s Showtime.

Hindi ba’t nahilingang magsampol si Janella ng kantang ipino-promote niya only to tell Kim na: “Paos ako…kayo na lang!”

Ang totoo pala kung bakit flop ang ticket sales ng concert ni Janella ay dahil sa P-pop Girl na Bini.

Nakatakda rin kasing nagkaroon ito ng show sa June 24, same venue which is at the New Frontier.

Apektado raw ang concert ni Janella dahil tadtad nga naman ang promo ng Bini, na ang direktiba’y galing pa mandin sa management ng Star Music, ang recording arm ng ABS-CBN.

Most of Janella’s fans find this unfair dahil Kapamilya rin naman siya, so why is she not getting the network support?

Bale ba, ang nakakasama ng loob ay itutuloy naman daw ang Janella concert pag pumik up na ang ticket sales nito.

Buti na lang, marami sa mga nakabili na ng Reimagined concert tickets ay willing maghintay.

Matatandang minsan nang nagtampo si Janella sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, dahil sa umano’y shabby treatment sa kanya.

So, following the case of her concert na pabor sa Bini, may panibago na naman bang isyu si

Janella? Ronnie Carrasco III