Manila, Philippines- Kasunod ng pagbasag ni Maris Racal ng kanyang katahimikan hinggil sa isyung kinapapalooban ay nagsalita na rin si Anthony Jennnings.
Sa inilabas na video ng ABS-CBN, humingi ng tawad si Anthony kina Maris at Jam Villanueva.
Si Jam ay ang naunang nobya ng Kapamilya actor na pinagsabay niya with Maris.
Tumagal nang 22 segundo ang video ni Anthony.
Hindi na siya nagpaliwanag pa tungkol sa isyu kundi humingi lang ng kapatawaran sa kanyang mga ginawa.
Nauna rito, nagsalita na rin si Maris.
Mangiyak-ngiyak niyang ipinaliwanag ang tungkol sa kanila ni Anthony.
Tiniyak daw kasi ni Anthony na break na sila ni Jam– bagay na hindi naman pala totoo.
Inamin ni Maris na nahulog siya noong time na ginagawa nila ang teleseryeng Can’t Buy Me Love.
Dala raw ‘yon ng period where she was nursing a broken heart.
Bago dumating si Anthony sa buhay ni Maris ay si Rico Blanco ang nobyo niya.
‘Yun ay sa kabila ng agwat ng kanilang edad.
Napagtanto lang daw ni Maris na may namagitan pa kina Anthony at Jam nang may ipinost ang huli na tila malapit sa kanya ang pagkakakilanlan.
Sinikap daw niyang mag-reach out kay Jam sa dahilang ramdam daw niya ang sakit na dinaranas nito of having been cheated on.
Ang magkasunod na pagsasalita nina Maris at Anthony ay bilang damage control.
Kapwa negatibo kasi ang imahe nila sa publiko gayong kailangan pa mandin nilang i-promote ang kanilang MMFF entry kung saan bida si Vice Ganda.
Kapwa negatibo kasi ang imahe nila sa publiko gayong kailangan pa mandin nilang i-promote ang kanilang MMFF entry kung saan bida si Vice Ganda.
Makuha kaya ‘yon sa iyak ni Maris at sorry ni Anthony? Ronnie Carrasco III