Home METRO Senior police officer umamin sa pagpatay sa sergeant sa loob ng NCRPO...

Senior police officer umamin sa pagpatay sa sergeant sa loob ng NCRPO HQ

MANILA, Philippines- Umamin ang isang police lieutenant colonel (PLTCOL) sa pagpatay sa isang police executive master sergeant (PEMS) sa loob ng Camp Bagong Diwa, sa headquarters ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon sa spot report, umamin ang lieutenant sa pamamaril na ikinasawi ng sergeant matapos umanong madiskubre itong may “intimate relations” sa asawa ng lieutenant sa kanilang apartment sa Married Non-Officers’ Quarter sa Camp Bagong Diwa noong Nov. 28.

Ang biktima ay isang 55-anyos na PEMS na naka-assign sa Puerto Princesa City, Palawan.

“In his extrajudicial confession, he (PLTCOL) admitted to fatally shooting [the victim], in the presence of his wife, in their living room after discovering the two engaged in intimate relations,” saad sa spot report.

Batay pa sa report, ipinag-utos ng suspek sa kanyang asawa na kumuha ng lagari, na gagamitin umano sa pagputol sa katawan ng biktima. Inilagay niya ang mga labi sa isang sako saka ito inilibing sa lupa ng ancestral home nito sa Baguio City.

Narekober ng mga awtoridad ang dalawang sako na naglalaman ng putol-putol na bangkay, dalawang puting damit, at isang wooden chopping board.

Dinala na ang bangkay sa isang punerarya sa Baguio.

Samantala, iginiit ng anak ng biktima sa Taguig police report sa social media nitong Biyernes na planado umano ang pagpatay.

Giit niya, “For clarity, it was a setup that resulted [in a] forcible abduction and merciless tortures that resulted [in] the tragic death of my father.

“It was planned and prepared [from] March 2024 up to present to kill my father once he [visited] Manila, perpetrated by these two demonic individuals and their cohorts,” dagdag niya. RNT/SA