MANILA, Philippines – Ibinasura ng Pasig Regional Trial Court ang reklamong paglabag sa Anti-Dummy Law laban kay Nobel Peace laureate Rappler chief executive officer Maria Ressa at lima iba pang opisyal ng news website.
Sa 11 pahinang kautusan, ginawan ni Pasig City Judge Marie Joyce Manongsong ng demurrers to evidence na inihain ni Ressa at iba pang opisyal na sina Nico Jose Nolledo, Glenda M. Gloria, Manuel I. Ayala, Felicia Atienza, at James Velasquez.
“In this case, this Court finds that the prosecution’s evidence is grossly insufficient to establish the criminal liability of al of the accused by proof beyond reasonable doubt,” ayon sa korte.
Sa impormasyon na inihain sa Pasig RTC, inakusahan ng prosekusyon si Ressa at iba pa na pumapayag sa Omidyar Network Fund, isang foreign corporation, na makialam sa operasyon ng Rappler sa pag-iisyu ng Philippine Depositary Receipts (PDR) sa investment firm noong 2015.
Ang anti-dummy case ay may kinalaman sa kautusan ng Securities and Exchange Commission na nagbabawi sa incorporation papers ng Rappler sa alegasyon na nilabag nito ang constitutional restriction sa foreign ownership ng mass media sa pag-iisyu ng PDRs sa Omidyar.
Sinabi ng korte na sa desisyon ng SEC noong 2018, sinabi na hindi natukoy ang individual roles ang bawat isa sa mga inakusahan sa paglilipat ng PDRs sa Omidyar.
“From the foregoing, it is apparent that the SEC assumed that each of the accused had a role in the supposed illegal scheme based on their corporate positions in Rappler and RHCI. It found such fact sufficient for the imposition of administrative sanctions on the corporations involved,” sinabi ng korte.
“Nonetheless, in the instant criminal case against each of the accused, the prosecution simply adopted the SEC findings in the administrative case and failed ot provide evidentiary support ot the supposed specific acts of each of the accused that led to the issuance of the PDRs to Omidyar,” dagdag pa.
Sinabi rin ng korte na walang ebidensya sa umano’y negosasyon sa pagitan ni Ressa, bilang representative ng Rappler at RHCI, at ng Omidyar.
Idinagdag pa na sa 2018 SEC decision, nakita na hindi lahat ng mga akusado ay direktor ng RHCI.
Halimbawa, sina Atienza at Velasquez ay direktor lamang ng Rappler.
“Likewise, the prosecution failed to submit any board resolution, corporate record or any other piece of evidence clearly establishing the involvement of each of the accused in the issuance of PDRs to Omidyar,” ayon pa sa korte. RNT/JGC