Home NATIONWIDE Anti-Espionage Law, pinababago ni Hontiveros vs Chinese spy

Anti-Espionage Law, pinababago ni Hontiveros vs Chinese spy

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Risa Hontiveros na baguhin ang Anti-Espionage Law kasunod ng pagkakaaresto ng ilang Chinese national na inakusahan ng pang-eespiya sa gitna ng tumitinding tensiyon sa West Philippine Sea.

“The Senate must immediately enhance our existing Anti-Espionage Law,” ani Hontiveros nitong Martes.

“Habang patuloy na pabalik-balik ang monster ship ng Tsina sa West Philippine Sea, dapat matiyak ng ating gobyerno na hindi natin hahayaan lang na napapaligiran na tayo ng mga espiya, diin pa ng senador.

Tinukoy pa ng senador ang ilang insidente na kanyang pinunan na potensiyon na banta kabilang ang Visa Upon Arrival scheme sa Bureau of Immigration, na pinapayagan ang maraming Chinese nationals na pumasok sa bansa nang walang pagsusuri sa imigrasyon.

Nangamba din si Hontiveros sa pagkakasangkot ng ilang Chinese nationals sa Philippine Offshore Gaming Operators.

Sa ginanap na imbestigasyon ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, na pinangunahan ni Hontiveros kinilala si Chinese national Alice Guo ng National Intelligence Coordinating Agency bilang “agent of influence.”

“Allegations of self-confessed Chinese spy She Zhijiang that Guo is a fellow spy have also not been put to rest. Government must continue to exhaust all efforts to reach out to She and obtain information so crucial for our security” ani Hontiveros.

“I trust that the DND (Department of National Defense), together with other relevant agencies, is on top of this matter. We have to take this seriously for the sake of our national security, our national interest, our sovereignty,” ayon pa senador.

Matagal nang hiniling ni DND Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mambabatas na amendahan ang batas upang payagan ang pamahalaan na parusahan ang pang-eespiya kahit sa panahon ng kapayapaan. Ernie Reyes