Home OPINION ANTI-IMMIGRANTS DIN SA NORTHERN IRELAND

ANTI-IMMIGRANTS DIN SA NORTHERN IRELAND

191
0

HABANG nagkakagulo sa United States sa pagnanais ni President Donal Trump na palayasin ang nasa 10-12 milyong dayuhan, kasama ang daan-daang libong Pinoy, nagkakagulo rin sa Northern Ireland na ikinatatakot ng maraming Pinoy roon.

Natatakot sila sa paglalakad ng daan-daang nakamaskarang lokal na residente, lalo na sa Ballymena, na naninira o nanununog sa mga sasakyan, bahay at iba pa na pag-aari o tinitirhan ng mga dayuhan, kabilang na ang sa mga Pinoy.

Ibinunga umano ang galit ng mga lokal na residente ang pag-rape sa tinedyer na babae ng dalawang kabataang Romanian sa Ballymena kahit pa nadakip na ang mga ito at nasampahan na ng kaso.

Ito umano ang pinakamatinding kinatatakutan ng mga dayuhan kumpara sa mga nagdaang katulad na pangyayari na bunga ng pagpatay ng mga dayuhan sa mga lokal na residente.

Sa ngayon, marami na umanong mga Pinoy at iba pa ang lumilikas sa mga lugar na tinitirhan nila sa takot na madamay sila sa gulo at apektado na rin ang kanilang paghahanapbuhay at kalayaang kumilos.

51,000 INARESTO

SA MGA RAID

Ipagpatuloy naman nating pag-usapan ang mga Pinoy sa Sa United States na ngayo’y kasama sa 11-12 milyong dayuhan na gustong palayasin ni President Donald Trump.

Partikular sa Long Angeles, California, humupa na nang kaunti ang kaguluhan nang magdeklara ng curfew ang mayor dito.

Ngunit dahil palawak nang palawak at patindi nang pagtindi ang pag-raid, pagkulong at pag-deport ng Immigration and Customs Enforcement at Department of Home Security laban sa mga iligal at kriminal na dayuhang naninirahan sa bansang ito, may kaguluhan na rin sa iba pang lugar.

Sa Long Angeles, sinasalakay ng mga ahente ng ICE ang mga tirahan at pinagtatrabahuan ng mga iligal at kriminal na dayuhan ngunit sinasalubong ang mga ito ng mga molotove bomb, pagharang at pananakit sa mga taga-ICE at DHS, panununog ng mga sasakyan at iba pang anyo ng karahasan.

Sa Atlanta, kasama sa mga ipinanlalaban ng nga raliyesta ang mga kwitis at iba pang mga paputok laban sa mga taga-ICE, pulis at iba pa.

Ito na rin ang nag-udyok umano kay Trump para magpadala ng libo-libong National Guard at US Marines para tumulong sa pagdetine at pag-aresto sa mga nagra-rally, gumagawa ng karahasan at lumalaban sa pamahalaang lokal sa lugar.

Sa ngayon, lagpas na sa 51,000 ang inaresto, kinulong, iniimbestigahan, sinasampahan ng kaso, dine-deport o pinalalayas sa buong US, kasama ang mga nasa Los Angeles.

Lalo na at may quota nang 3,000 tao araw-araw ang dapat na maaresto upang sa loob ng isang taon ay mapalayas sa US ang lahat.

LIBO-LIBONG KONTRA KADA ESTADO

Kasama ngayon na nagdaraos ng mga rally laban sa deportasyon ang mga nasa New York, Chicago, Dallas, Seattle, Washington, Texas, Houston, Boston, Atlanta, Philadelphia at iba pa.

Sa mga rally na ito, parami nang marami ang mga inaresto mismo sa rally bagama’t marami ang hindi sumasali sa takot na roon na sila madampot o maaresto.

Ano-ano na ang mga aksyon ng gobyernong Marcos sa mga pangyayaring ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here