MANILA, Philippines – Iniulat ng Overseas Workers Welfare Administration na wala pang naiuulat na Pilipinong nadamay sa pagbagsak ng eroplanong Air India noong Hunyo 12, 2025.
“As of now, no reported Filipino nationals affected po. We are continuously monitoring po,” ani OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan.
Ang eroplano, sakay ang 242 pasahero at crew, ay bumagsak sa isang medical college hostel habang oras ng pananghalian, at kabilang sa mga nasawi ang mga estudyante at dating Gujarat Chief Minister Vijay Rupani.
Nagpahayag ng pakikiramay si Pangulong Marcos Jr. sa gobyerno ng India at sa mga pamilyang naiwan. RNT