Home NATIONWIDE MRT-7, aarangkada sa 2027 – DOTr

MRT-7, aarangkada sa 2027 – DOTr

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na magiging operational ang MRT-7 pagsapit ng 2027, bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos Jr.

Umabot na sa 83.08% ang progreso ng proyekto.

Target nitong magsakay ng 600,000 pasahero kada araw, na magpapabilis sa biyahe mula North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan.

Binanggit din ni Dizon ang kahalagahan ng pagpabilis sa Common Station para konektado ang MRT-7, MRT-3, at LRT-1. RNT