INDIA – Si Vishwash Kumar Ramesh, 40-anyos na British national, ang tanging nakaligtas sa pagbagsak ng Air India Flight 171 sa Ahmedabad noong Hunyo 12, 2025.
Ang eroplano ay may 242 sakay at bumagsak ilang sandali matapos ang paglipad.
“Thirty seconds after take-off, there was a loud noise and then the plane crashed. It all happened so quickly,” kwento ni Ramesh sa local India media.
Nasugatan si Ramesh ngunit nakatakas sa gumuhong eroplano.
Ipinakita ni Ramesh sa Indian media ang kanyang boarding pass na nagkukumpirma sa kanyang pangalan, flight at seat number na Seat 11A. Kitang-kita ang “impact injuries” sa kanyang dibdib, mata, at paa.
Ayon sa kanya, kasama niyang bumiyahe ang kapatid niyang si Ajay na hanggang ngayon ay nawawala.
Hindi pa tiyak ang kabuuang bilang ng nasawi o sanhi ng aksidente. RNT