KAMPEON - Nasungkit ni Benjamin Antiporda ang kampeonato sa 1st Remate Championships Bowling One Day Tournament na special event ng 1st Remate Open Championships na ginaganap sa Playdium Bowling Center samantalang 1st runner si Kevin Mecija. Nagwagi rin sina Alson Wang 2nd runner up; Harvey Rusurreccion 3rd runner up; DK Lee 4th runner up; Edwin Rupido 5th runner up Maverick Timbol 6th runner up; Baby De Leon 7th; at Tommy Cu 8th runner up.REY NILLAMA
MANILA, Philippines – Naibulsa ni Benjamin Antiporda ang kampeonato sa 1st Remate Open Championships One Day Tournament at angkinin ang cash prize na P20K nitong Miyerkules ng gabi sa Playdium Bowling Center sa Cubao, Quezon City.
Isa sa surprise event ng Remate Open Championships ang One Day Tournament na nilahukan ng 33 bowlers na bahagi ng mahigit 200 na manlalaro na lumahok sa kumpetisyon.
Hinirang na 1st runner winner sa likod ni Antiporda si Kevin Mecija na tumanggap ng P10K cash prize habang 2nd runner up si Alson Wang na may P5K na premyo.
Nakuha ni Harvey Resurreccion ang 3rd runner na karangalan na may nakalaang P5K na papremyo sa prestihiyosong tournament na nilahukan ng iba’t ibang bowling clubs.
Hindi rin naman nagpahuli sina DK Lee na kinabig ang 4th runner up na pwesto; Edwin Rupido 5th; Maverick Timbol, 6th; Baby De Leon, 7th ; habang naiuwi ni Tommy Cu ang 8th runner na panalo.
Lahat ng nagwagi mula 4th runner up hanggang 8th runner up ay tumanggap ng tig-P3k bilang consolation prize.
Layunin ng kumpetisyon na pinangungunahan ni Remate Bowlers Club/ Manila Tenpin Bowlers Association President Benny Antiporda na mapagkaisa o ma-unify ang bowlers community ng bansa at ma-encourage ang mga bowler na maglaro ng bowling at ipakita ang kanilang talento.
Ginaganap ang regular na kumpetisyon ng Remate Bowlers Club kada-Miyerkules sa ganap sa ika-7:30 ng gabi sa kanilang regular bowling alley sa Paeng’s Midtown Bowl sa Robinson Place Manila.