Home NATIONWIDE PBBM lumikha ng opisina sa pagpapabilis ng Marawi rehab

PBBM lumikha ng opisina sa pagpapabilis ng Marawi rehab

102
0

MANILA, Philippines – LUMIKHA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation and Development (OPAMRD) para sa muling pagtatayo at pagbangon ng Marawi City at kalapit na lokalidad.

Ipinalabas ng Pangulo ang Executive Order No. 78 noong Nobyembre 28, lumilikha ng OPAMRD.

Ang body ay pamumunuan ng Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation (PAMR) sa ilalim ng kontrol at pangangasiwa ng Office of the Special Assistant to the President (OSAP).

“The Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation and Development (OPAMRD) is hereby created to integrate, coordinate, and accelerate the implementation of all government PAPs related to the rehabilitation, development, and restoration of peace, and order in Marawi City and other affected localities,” ang sinabi ng Pangulo sa pagpapalabas ng kautusan na nilagdaan naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Kabilang sa magiging tungkulin ng OPAMRD ay ang payuhan ang Pangulo kaugnay sa rehabilitasyon, development, at pagpapanumbalik sa kapayapaan sa Marawi City; pangasiwaan, i-monitor, i-coordinate, pagtugmain ang lahat ng estratehiya, programa at mga proyekto at pagtutulungan ng lahat ng mga kinauukulang LGUs sa pagpapatupad ng mga programs, activities, and projects (PAPs) na may kinalaman sa ‘rehabilitation at development’ ng Marawi City.

Tungkulin din nito na i-monitor ang implementasyon ng Presidential directives o prayoridad para sa ‘rehabilitation, development, at restoration’ ng kapayapaan sa Marawi City, at magsumite ng bi-annual report sa Pangulo sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary at OSAP, kaugnay sa estado ng implementasyon ng kautusan ng Pangulo.

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng Chief Executive ang mga kaugnay na departamento, ahensiya, burukrasya, tanggapan at kinauukulang LGUs at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na magbigay ng puspos at napapanahong tulong at pakikipagtulungan sa OPAMRD upang matiyak ang epektibong implementasyon.

Ang pagsisikap ng gobyerno para i- rehabilitate ang Marawi City ay nagsimula sa paglikha ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) noong 2017 para pangasiwaan ang ‘recovery, reconstruction, at rehabilitation’ ng battle-scarred city kasunod ng May 2017 siege ng Islamic militants na iniuugnay sa Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL).

Ang bakbakan sa pagitan ng extremist forces at Philippine military ay tumagal ng limang buwan sa Marawi, dahilan para ma-displace ang 400,000 residente, nauwi sa kawalan ng tirahan at kawalan ng hanapbuhay ng mga ito. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here