Home NATIONWIDE Anumang pangyayari sa Kongreso kaugnay sa impeachment complaint ‘di saklaw ng Pangulo...

Anumang pangyayari sa Kongreso kaugnay sa impeachment complaint ‘di saklaw ng Pangulo – Malakanyang

170
0

MANILA, Philippines – HINDI SAKLAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang anumang mangyayari na solusyon, resolusyon, desisyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na may kaugnayan sa impeachment complaint na inihain laban sa Chief Executive.

Tugon ito ng Malakanyang nang tuluyang pagtibayin ng House Committee on Justice panel ang committee report na nagbabasura sa impeachment laban kay Pangulong Marcos.

Iyon nga lamang, sa ulat kasi ay may mga probisyon sa konstitusyon na nagsasabing, maaring umusad ang isang impeachment kapag nakakuha ito ng hindi bababa sa one-third votes ng plenaryo sa Kamara. Idagdag pa na mayorya ng mga kongresista ay pro-Marcos,

“Umaasa po ang Pangulo na kahit na po ang sinasabing impeachment ay isang political tool, umaasa po siya na ang mga miyembro po ng House of Representatives ay maaayon lamang kung anong ebidensiya na naipakita at naging discussion sa Committee on Justice,” ang winika ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“At ang Pangulo po mismo, sa sarili niya, kumpiyansa siya na wala po siyang ginawang anumang impeachable offense,” diing pahayag nito.

Sa ulat, ibinasura ng House Committee on Justice ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ideklarang insufficient in substance ang mga ito sa pagdinig noong Miyerkules. Bagama’t nauna nang itinuring na sufficient in form ang mga reklamo, hindi umano nakitaan ng sapat na batayang nilalaman upang maisulong sa plenaryo ng Kamara.

Ang dalawang impeachment complaint ay inihain ng abogado na si Andre de Jesus at ng mga lider ng progresibong grupo kasama ang Makabayan bloc. Sa botohan ng komite, mayorya ng mga miyembro ang sumuporta sa pagbasura sa parehong reklamo.

Ayon sa mga alituntunin ng Kamara, kailangang may malinaw at sapat na batayan ang isang impeachment complaint bago ito isalang sa botohan ng buong kapulungan.

Sa kasong ito, itinuring ng komite na kulang ang mga paratang upang maituring na mga impeachable offense, dahilan upang pansamantalang matigil ang proseso laban sa Pangulo sa antas ng komite. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here