Home NATIONWIDE Apela ni Pope Francis: Karahasan sa eastern Congo, tapusin na

Apela ni Pope Francis: Karahasan sa eastern Congo, tapusin na

VATICAN CITY – Nakiusap si Pope Francis nitong Linggo, Hunyo 16 para sa pagwawakas ng karahasan at pagkamatay ng mga sibilyan sa North Kivu, isang lalawigan kung saan sumiklab ang kaguluhan sa Democratic Republic of Congo.

Hindi bababa sa pitong tao ang napatay doon noong Biyernes, Hunyo 14 at Sabado, Hunyo 15 matapos magprotesta ang mga tao sa lansangan sa pag-atake ng mga pinaghihinalaang rebeldeng Islamista.

“Painful news continues to arrive of attacks and massacres carried out in the eastern part of the Democratic Republic of Congo,” sabi ni Francis St. Peter’s Square.

“I appeal to national authorities and the international community to do everything possible to stop the violence and safeguard the lives of civilians,” sabi pa ni Francis sa kanyang Sunday Angelus message.

Ikinalungkot ng Papa na maraming Kristiyano ang nasawi sa labanan, sabay-sabing ang mga ito ay maituturing na martir. Jocelyn Tabangcura-Domenden