Home NATIONWIDE Aplasca haharap din sa imbestigasyon ng CIDG sa Senate shooting

Aplasca haharap din sa imbestigasyon ng CIDG sa Senate shooting

31
0

MANILA, Philippines – Hindi pa humaharap sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si suspended acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca kaugnay ng insidente ng pamamaril sa Senado noong Mayo 13.

Ayon kay Aplasca, pinayuhan siya ng kanyang mga abogado na humingi muna ng extension dahil hindi pa sila handa para sa imbestigasyon. Tiniyak naman niya na haharap siya sa CIDG sa tamang panahon.

Nauna nang irekomenda ng CIDG ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Aplasca at dalawa pang opisyal dahil sa umano’y “unjustified” na pagpapaputok ng baril sa loob ng Senado.

Kaugnay ito ng kaguluhan sa Senado habang pinag-uusapan ang posibleng pag-aresto kay Senador Ronald dela Rosa.

Samantala, itinanggi rin ng Philippine National Police (PNP) ang alegasyong “spliced” o inedit ang mga video na ginagamit sa imbestigasyon ng insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here