MANILA, Philippines – Nasa 85 lamang mula sa 155 partylist ang inaprubahang online campaign platfomrs ng Commission on Elections (Comelec) En banc na maaaring gamitin para sa 2025 May elections.
Habang 29 lamang na online campaign platforms ang inaprubahan mula sa 66 senatorial race.
Apat rito sa mga kandidato ang partially compliant at 33 naman ang not compliant ayon sa Comelec.
Base sa hinihingi ng Education and Information Department, inatasan ng komisyon ang mga partially compliant na tumalima.
Inatasan din ang mga kandidato at partido na non-compliant na i-take down ang kanilang mga online content at social media platforms.
Una nang sinabi ng COMELEC na kung hindi makakapagrehistro ang mga kandidato ay bibigyan ng notice to explain para alamin kung bakit hindi sila dapat sampahan ng reklamo.
Ayon pa sa Comelec, ang deadline ng pagpaparehistro ay noong Disyembre 13, 2024 at hindi na nagbigay pa ng extension.
Ang naturang hakbang ay layon na maiwasan ang paggamit ng mga Artificial Intelligence, Deep Fake at iba pa na makakaapekto sa kampanya para sa eleksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden