MANILA, Philippines – Nagbigay reaksyon ang pamilya Aquino sa hakbang ng gobyerno na ilipat ng ibang araw ang selebrasyon ng Ninoy Aquino Day.
Nitong linggo, inilipat ng Malacanang ang pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day mula Agosto 21 sa Agosto 23.
Inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Huwebes ang Executive Order No. 665 upang iantala ng ilang araw ang nonworking holiday bilang paggunita sa 1983 assassination kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., isang mahigpit na karibal sa pulitika ng rehimen ng kanyang ama.
“Moving a day of commemoration will not diminish the fact that Ninoy died fighting for the country and the people he so loved and his death sparked a revolution that ended Marcos Sr.’s authoritarian rule,” ayon sa pahayag ng Aquino family.
Sinabi ng Palasyo na ang utos ay nilayon upang lumikha ng “4-day weekend” kung saan ang Agosto 26 (Lunes) ay National Heroes Day. RNT