Home ENTERTAINMENT Ara, hindi raw pepersonalin ni Bossing, kampante!

Ara, hindi raw pepersonalin ni Bossing, kampante!

Manila, Philippines- Nasa kabilang partido tumiket si Ara Mina na tatakbong Konsehal sa District 2 ng Pasig City.

Ang mayoral candidate na sinusuportahan niya ang makakatunggali ng incumbent mayor na si Vico Sotto.

Si Vico ay ang nag-lisang anak nina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes.

Kampante si Ara na kahit hindi siya nakatiket kay Vico ay hindi dahilan ‘yon para personalin siya ng ama nito.

Matatandaang taong 2003 nang magsama sa pelikulang Fantastic Man sina Bossing at Ara.

Ani Ara, matalino raw ang TV host/ comedian/film producer for him to take it against Ara.

Kumbaga, friendship pa rin still transcends politics.

Samantala, this is Ara’s second attempt in local politics.

Una siyang tumakbong Konsehal sa Quezon City pero hindi siya pinalad.

On her running again, inihayag ng aktres na ikinagulat daw ‘yon ng kanyang asawang si Dave Almarinez.

Pero aniya malakas daw ang calling sa kanya.

On her plans of having a baby, pansamantala raw muna nilang isinantabi ito.

Pero puwede rin daw pag halfway through her term pag pinalad siya sa kanyang pagtakbo.

Suportado naman siya ni Dave. Ronnie Carrasco III