MANILA, Philippines- Walang nanalo ng major lotto prizes nitong Linggo, Marso 30, 2025, kung saan pumalo na ang Ultra Lotto 6/58 jackpot sa mahigit P200 milyon.
Ang winning combination para sa Ultra Lotto 6/58 ay 50-48-30-25-06-33, na may premyong sumampa sa P201,367,778.80.
Ang winning numbers naman para sa Superlotto 6/49 ay 45-21-14-28-18-41, na may jackpot na P52,946,905.80. RNT/SA