Home ENTERTAINMENT Archie, guilty!

Archie, guilty!

321
0

Manila, Philippines – “Guilty” ang naging hatol sa kasong acts of lasciviousness kay Archie

Alemania ng Branch 2 ng Metropolitan Trial Court ng Bacoor City na isinampa ni Rita Daniela.

Ang naging basehan ng hukuman ay ang apology text ni Archie sa loob ng kanyang sasakyan.

Matatandaang ang kaso’y bunsod ng insidente sa pa-thankgiving party ni Bea Alonzo sa cast and crew ng Widows’ War.

Kapwa imbitado sina Rita at Archie.

Pinagbabayad din si Archie ng P20,000 para sa civil indemnity at P20,000 bilang moral damage.

Sa ilalim din ng batas ay maaaring makulong si Archie mula isang buwan at isang araw hanggang isang taon at isang araw.

Gayunpaman, binigyan si Archie ng korte ng 15 days para sa kanyang motion for reconsideration.

Kapwa umattend sa korte sina Rita at Archie.

Mas malaki ang epekto ng naturang kaso sa karera ni Archie na ang karakter ay tinanggal sa nasabing GMA teleserye.

May ilan ding trabahong nawala sa aktor.

Noon pa man ay ipinangako ni Rita na ilalaban niya ang kaso whatever it took.

Masaya naman si Atty. Maggie Abraham-Garduque para sa kanyang kliyente sa pagpabor ng korte sa panig ng singer-actress. Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here