Home ENTERTAINMENT Arci, wagi ng best actress sa int’l film festival!

Arci, wagi ng best actress sa int’l film festival!

Manila, Philippines- Dream ni Arci Muñoz ang makatrabaho si Coco Martin at Alden Richards. ‘Yan ang ni-reveal ni Arci pagkatapos manalo bilang Best International Filipino Actress sa nakaraang Jinseo Arigato International Film Festival para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Malditas in Maldives” sa direksyon ni Njel de Mesa under NDM Studios.

Sa kabila ng halos dalawang dekada sa industrya, looking forward si Arci na magkaroon ng chance to work with Coco and Alden. Sila na lamg daw kasi ang hindi pa nakakasama ni Arci sa trabaho.

Wish din ni Arci na makagawa rin ng proyekto sa multi-awarded director na si Brillante Mendoza.

Nagbuntung-hininga naman muna si Arci bago niya ni-reveal ang name ng aktres na gusto niyang makatrabaho.

“Dream ko po talagang makasama si Ms. Cherie Gil. Pero wala na siya, eh. Kasi, one reason parang why I became an actress was because of her,” sabi pa ni Arci.

Dugtong pa niya, “That’s why I cried when she passed on. She’s such a great actress! She reminds me of those old Hollywood actresses po. And I really love the old Hollywood.”

Sad to say, never na-meet ni Arci personally ang yumaong aktres.

Bukod kay Cherie, ang pangalawang female celebrity na ini-idolo ni Arci ay si Lea Salonga.

Samantala, over the moon pa rin si Arci sa pagkakapanalo niya ng Best International Filipino Actress nu’ng makausap namin bago siya pumunta ng Dubai.

First-ever acting award ni Arci ang nasungkit nya sa Jinseo Arigato International filmfest, pang-international pa.

Ayon kay Arci, “Ayoko pong mag-expect ng anything in my head. Ano po, I just really love what I do and I’ll continue doing that po. And, having an award or getting something, ma-recognize in something that I love is a bonus especially it’s Japan.”

Inialay ni Arci ang kanyang award sa kanyang mga magulang.

“I dedicated the award to my Mom and Dad. My Dad passed away. So, I know since my Dad passed away I know that he’s been guiding me from above,” say pa ni Arci. Julie Bonifacio